Wala pang opisyal na kumpirmasyon kung sinu-sinong lider ng mga bansa ang dadalo sa ika-49 na ASEAN Summit.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, batay sa impormasyong natanggap nila mula sa Department of Foreign Affairs o DFA, inaasahang dadalo ang mga lider ng mga bansang kasapi ng ASEAN, gayundin ang mga kalahok sa ASEAN Plus Three at East Asia Summit.

Inaasahan din ang pagdalo ng United Nations secretary-general sa ASEAN-UN Summit.

Paliwanag ni Castro, karaniwang ilang araw bago ang summit natatanggap ang pinal na kumpirmasyon ng pagdalo ng mga lider.

Wala pa ring opisyal na kumpirmasyon kung personal na dadalo si Chinese President Xi Jinping o kung ibang opisyal ang kakatawan sa China.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa DFA, karaniwang Chinese premier ang dumadalo sa mga summit ng ASEAN.

Kinumpirma naman ng Malacañang ang pagdalo ni US President Donald Trump sa ASEAN Summit.