Iginiit ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na hindi papayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang anumang budget amendments na walang sapat na dokumento, malinaw na deskripsyon at konkretong proyektong paggagamitan.

Binigyang-diin ni Castro na hindi dapat abusuhin ang pondo ng bayan at dapat itong mapunta sa kapakinabangan ng taumbayan, hindi sa bulsa ng sinuman.

Dagdag pa niya, bukas ang Pangulo sa pakikinig sa mga nakikitang problema at suhestiyon ng mga grupong sumusubaybay sa 2027 national budget.