Itinanggi ng Chinese Embassy na isang Chinese-made artillery shell o bomba ang natagpuan sa loob ng isang shipping container sa Port Moresby, Papua New Guinea, at iginiit na isa lamang itong bote ng alak na hugis bala.

Sa pahayag ng embahada, tiniyak nitong hindi mapanganib ang naturang bagay.

Gayunman, kinuwestiyon ng ilang netizens ang pahayag dahil umaabot umano sa 32 kilo ang bigat nito.

Apat na Chinese nationals ang inaresto ng mga awtoridad noong Biyernes matapos matagpuan ang naturang bagay sa isang construction site sa Port Moresby.

Batay naman sa mga ulat, posibleng isa itong 130mm Chinese Type 59 artillery projectile na hindi sumabog at naglalaman umano ng pampasabog at fuse.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin ng Chinese Embassy na mahigpit ang umiiral na batas sa pagkontrol ng armas sa kanilang bansa kaya halos imposibleng mailabas mula rito ang naturang kagamitang militar.