Inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang bagong programa na naglalayong tulungan ang mga negosyong nahihirapang bayaran ang kanilang mga manggagawa kasunod ng pagtaas ng sahod at iba pang gastusin sa operasyon.

Sa ilalim ng TUPAD Flagship Innovations-Sagip Trabaho Program, sasagutin ng DOLE ang katumbas ng tatlong buwang dagdag-sahod ng mga kuwalipikadong manggagawa upang maibsan ang gastusin ng mga negosyong dumaranas ng pinansyal na paghihirap.

Kapalit nito, kailangang tiyakin ng mga benepisyaryong kumpanya na magpapatuloy ang kanilang operasyon at trabaho ng mga natulungang empleyado sa loob ng hindi bababa sa anim na buwan.

Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, kailangang patunayan ng mga may-ari ng negosyo na hindi na kayang tustusan ng kanilang pinansyal na kakayahan ang dagdag-sahod.

Maaaring isumite ang mga kinakailangang dokumento sa mga regional o field office ng DOLE para sa pagsusuri.

-- ADVERTISEMENT --

Sa unang yugto, ipatutupad ang programa sa Metro Manila at Central Visayas.

Kabilang sa mga nakinabang dito ang isang printing company sa Valenzuela na nakapagpatuloy sa operasyon at nakatulong sa pagbabayad ng sahod ng humigit-kumulang 30 manggagawa nito.