
Binigyang-diin ng DILG ang pangangailangang matukoy ang mga kakulangan sa disaster preparedness upang mapalakas ang pagtugon sa mga kalamidad.
Ayon kay DILG Usec. Marlo Iringan, hindi sapat ang teknolohiya at koordinasyon ng mga ahensya kung hindi nakikilahok ang mga komunidad at binabalewala ang mga babala.
Iginiit naman ni OCD Deputy Administrator Cesar Idio na kailangang palakasin ang pagsasanay ng mga responder, kaalaman ng publiko at kahandaan ng mga kagamitan.
Inihayag nila ito kasabay ng ikaapat na quarter nationwide simultaneous earthquake drill na isinagawa sa Sta. Ana, Cagayan.
Samantala, umaasa ang NDRRMC na madaragdagan ang pondo para sa mas mabilis na pagtugon at rehabilitasyon matapos ang mga kalamidad.
-- ADVERTISEMENT --










