
Nagpasalamat ang Commission on Elections sa desisyon ng Supreme Court na pagtibayin ang constitutionality ng Republic Act No. 12326 na nagpapahaba sa termino ng mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan mula apat hanggang limang taon.
Ayon sa COMELEC, nilinaw ng Korte Suprema na ang naturang batas ay tungkol sa pagtatakda ng haba ng termino at hindi pagpapaliban ng halalan.
Una nang kinuwestiyon ni Macalintal ang batas dahil umano sa hindi nito pagsunod sa mga pamantayang inilatag ng Korte Suprema noong 2023.
Sa naturang desisyon, nakasaad na dapat may mahalaga at matibay na dahilan upang mapagpaliban ang isang halalan.
Gayunman, nilinaw ng Korte Suprema na hindi saklaw ng naturang pamantayan ang RA No. 12326 dahil hindi ito batas na nagpapaliban ng halalan, kundi nagtatakda ng haba ng termino ng mga opisyal ng barangay at SK.










