Kinilala ang 17th Infantry “Do or Die” Battalion ng Philippine Army dahil sa kontribusyon nito sa pagsusulong ng turismo at lokal na kaunlaran sa lalawigan ng Cagayan.

Tinanggap ng batalyon ang Tourism Governance and Partnership Excellence Award sa ginanap na awarding ceremony sa Tuguegarao City kamakailan.

Ipinagkaloob ang parangal bilang pagkilala sa pakikipagtulungan ng yunit sa mga lokal na pamahalaan at iba pang sektor upang isulong ang turismo sa lalawigan.

Binigyang-diin ng Philippine Army na patunay ang pagkilala sa kahalagahan ng pagtutulungan ng militar at mga sibilyang institusyon sa pagpapatatag ng mga komunidad at pagbubukas ng oportunidad para sa lokal na kaunlaran.