
Walang nakatakdang anunsyo hinggil sa Pax Silica Economic Security Zone sa nalalapit na ASEAN Summit sa Maynila, ayon kay US Ambassador to the Philippines Lee Lipton.
Ayon kay Lipton, ang anumang desisyon hinggil sa proyekto ay gagawin sa pamamagitan ng konsultasyon sa pamahalaan ng Pilipinas at matapos talakayin ang posibleng epekto nito sa lahat ng sektor.
Nakatakdang idaos ang 49th ASEAN Summit at iba pang kaugnay na pagpupulong sa Nobyembre 16 hanggang 18 sa Pasay City.
Samantala, nananatiling kontrobersyal ang planong Pax Silica hub sa New Clark City, Capas, Tarlac dahil sa mga pangamba sa posibleng epekto nito sa kapaligiran at sa displacement ng mga katutubong naninirahan sa lugar.










