
Personal na pinangunahan ni Executive Secretary at ASEAN National Organizing Council (NOC) Chair Ralph Recto ang inspeksyon nuong Biyernes, November 6 ang mga paghahanda ng pamahalaan para sa gaganaping ASEAN Leaders’ Summit sa Nobyembre 15–17.
Sinigurado ni Recto na maayos ang takbo ng mga paghahanda alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ilang araw bago dumating sa Pilipinas ang mahigit 20 lider mula sa iba’t ibang bansa.
Kasama sa isinagawang walkthrough sina DTI Secretary Christina Roque, DOT Secretary Dita Angara-Mathay, DILG Secretary Jonvic Remulla, DICT Secretary Robert de Claro, DBM Secretary Kim De Leon, at PCO Secretary Lino Cayetano upang ipakita ang nagkakaisang pagkilos ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Nagpasalamat si Recto sa buong organizing team at hinikayat silang panatilihin ang dedikasyon para sa natitirang humigit-kumulang 100 pagpupulong sa ilalim ng pamumuno ng Pilipinas.










