
Kinuwestiyon ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang hakbang ng mga tagausig ng International Criminal Court (ICC) na isama bilang ebidensya ang dalawang pag-aaral na binanggit sa expert report ng isang testigong may code name na P-1400.
Sa kanilang mosyon, iginiit ng depensa na hindi mahalagang bahagi ng ulat ang mga pag-aaral at inuulit lamang ng mga ito ang impormasyong nakapaloob na sa dokumento.
Hiniling din nilang ibasura ang aplikasyon ng prosekusyon o isaalang-alang ang kanilang pagtutol sa nakabinbing desisyon ng korte.
Samantala, sinabi ng prosekusyon na may mga testigong posibleng humarap sa paglilitis sa pamamagitan ng audio-video link.
Nakatakdang magsimula ang paglilitis kay Duterte sa Nobyembre 30 kaugnay ng tatlong bilang ng crimes against humanity na may kinalaman sa murder at attempted murder.










