
Nasa mahigit 20 katao ang nasugatan matapos yanigin ng magnitude 5.7 na lindol ang central Japan madaling-araw nitong Linggo, Nobyembre 8.
Naitala ang pagyanig sa Shizuoka Prefecture, kanluran ng Tokyo, dakong ala-una ng madaling-araw. Wala namang inilabas na tsunami warning at wala ring naiulat na nasawi.
Nagdulot ang lindol ng pagkabasag ng mga salamin sa ilang establisimyento, pagbagsak ng mga paninda mula sa mga estante at pansamantalang pagkaantala ng biyahe ng mga tren, kabilang ang Shinkansen bullet trains.
Naramdaman din ang pagyanig hanggang Osaka.
Samantala, iniulat ng mga awtoridad na nakatanggap sila ng ilang ulat ng mga nasugatan, karamihan ay minor injuries.
-- ADVERTISEMENT --










