Inanunsyo ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang nalalapit na paglulunsad ng online transparency portal sa website ng Kamara upang masubaybayan ng publiko ang mga proyektong pinopondohan ng pamahalaan.

Makikita rito ang pangalan at lokasyon ng mga proyekto, pondong inilaan at estado ng implementasyon, kabilang kung natapos na ang mga ito o hindi pa.

Ayon kay Dy, sinimulan ang pagbuo ng portal noong Setyembre at inaasahang magiging accessible sa publiko sa mga susunod na araw.

Kasabay nito, inatasan niya ang mga oversight committee ng Kamara na suriin ang paggamit ng pondo ng mga ahensya ng gobyerno sa ilalim ng 2026 national budget, kabilang kung naipatupad nang maayos at nasa takdang panahon ang mga programa at proyekto.

Tiniyak din ni Dy na magiging bukas at livestreamed sa publiko ang mga pagdinig ng bicameral conference committee para sa 2027 national budget.

-- ADVERTISEMENT --

Kabilang naman sa mga prayoridad na nais dagdagan ng pondo ang edukasyon, kalusugan at agrikultura bilang paghahanda sa inaasahang El Niño.