Umabot na sa P9.99 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa matinding tagtuyot dulot ng El Niño, batay sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA).

Apektado nito ang 324,327 magsasaka at 323,419 ektarya ng lupang sakahan sa 16 na rehiyon sa bansa, kabilang ang Cagayan Valley.

Pinakamalaki ang naitalang pinsala sa produksyon ng mais na umabot sa P5.63 bilyon, habang P3.65 bilyon naman ang naitala sa palay.

Nakapagtala rin ng P655.74 milyon na pagkalugi sa high-value crops at P40.83 milyon sa livestock at poultry.

Ayon sa DA, inaasahang bababa ng humigit-kumulang isang milyong metriko tonelada ang produksyon ng palay at 500,000 metriko tonelada naman sa mais ngayong 2026 kumpara noong nakaraang taon.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, umabot na sa P18.64 bilyon ang mga interbensyong naipagkaloob ng ahensya, kabilang ang agricultural inputs at financial assistance.

Samantala, inaasahang magpapatuloy ang El Niño hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon.