Pinagbawalang makapasok muli sa Singapore si Alice Huang, ang babaeng iniuugnay sa umano’y paniniktik para sa China at sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng Nvidia CEO na si Jensen Huang.

Ayon sa Singapore Ministry of Home Affairs, umalis si Alice Huang sa bansa noong Pebrero matapos imbestigahan kaugnay ng posibleng paglabag sa batas, kabilang ang pagbili ng mga server na inilabas patungong Malaysia sa pamamagitan ng Singapore.

Nilinaw ng ministeryo na hindi espionage ang paksa ng imbestigasyon at walang sapat na ebidensiyang magpapatunay na nakagawa siya ng paglabag. Gayunman, binigyan siya ng mahigpit na babala matapos umanong magbigay ng hindi tumpak na impormasyon sa mga pulis at maliitin ang naging papel niya sa kumpanyang Megaspeed.

Samantala, iniugnay si Alice Huang sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Nvidia CEO Jensen Huang dahil sa mga ulat tungkol sa umano’y relasyon nila. Ang babae ay pinaghihinalaan din ng mga awtoridad ng Estados Unidos na sangkot sa paniniktik para sa Beijing.