Apektado ng nararanasang worldwide Microsoft 365 service outage ang Philippine Judiciary 365 (PJ365), kabilang na ang Microsoft Outlook.

Dahil dito, nagbabala ang Korte Suprema sa publiko na maaaring maantala ang pagtugon sa mga email at iba pang mga transaksyon.

Pagtitiyak naman ng Supreme Court na nakikipag-ugnayan na sila sa Microsoft upang agad na maibalik sa normal ang lahat ng apektadong serbisyo ng PJ365.

Maglalabas din sila ng karagdagang update kung kinakailangan.

Nagpasalamat naman ang Korte Suprema sa pang-unawa at pasensya ng publiko habang nararanasan ang pansamantalang downtime.

-- ADVERTISEMENT --