Dumating sa Maynila nitong Lunes ng hapon, Nobyembre 16, si Indian Prime Minister Narendra Modi upang dumalo sa 49th ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong.

Sinalubong si Modi sa paliparan ni Department of Information and Communications Technology Secretary Robert Joseph de Claro.

Kabilang ang Indian leader sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa na nagtungo sa Pilipinas para sa serye ng mga pagpupulong na nagsimula noong Nobyembre 15 at magtatapos sa Nobyembre 18.

Inaasahang dadalo si Modi sa 23rd ASEAN-India Summit at 21st East Asia Summit.

Ang Pilipinas ang host country ng mga pagpupulong ngayong taon at inaasahang ipapasa nito sa Singapore ang pamumuno sa ASEAN.

-- ADVERTISEMENT --