Dumating sa Middle East ang ikatlong aircraft carrier ng United States na USS Theodore Roosevelt sa gitna ng tumitinding presyur ni US President Donald Trump sa Iran upang mapilit itong makipagkasundo at wakasan ang digmaan.

Ayon sa mga ulat, pumasok ang barko sa sakop ng operasyon ng US Central Command nitong Linggo, kasama ang ilang combat aircraft, cruiser at destroyer.

Kasabay nito, naglunsad ang Iran ng anim na drone na tumarget sa Riffa helicopter base sa Bahrain, malapit sa pasilidad ng US Navy.

Patuloy namang ginagamit ng Washington ang maritime blockade at ekonomikong presyur laban sa Tehran, kasabay ng banta ng panibagong pag-atake.

Ayon sa US Central Command, mahigit 150 commercial vessel na ang pinabalik bilang bahagi ng blockade, na humahadlang sa pag-export ng Iran ng mahigit 30 bilyong dolyar na halaga ng krudo.

-- ADVERTISEMENT --

Ito na ang ikalawang pagkakataon ngayong taon na may tatlong aircraft carrier ang US sa Middle East.