Dumating sa Maynila si United States President Donald Trump dakong alas-5:33 ng hapon ngayong Nobyembre 17 sakay ng Air Force One sa Ninoy Aquino International Airport.

Kasama ni Trump sa biyahe sina US Secretary of State Marco Rubio at Treasury Secretary Scott Bessent upang dumalo sa ika-49 na ASEAN Summit na huling araw na ngayong araw.

Sinalubong din ng mga protesta ang pagbisita ni Trump, kaugnay ng pagtutol ng ilang grupo sa digmaan ng Estados Unidos at Iran at sa panukalang Pax Silica project sa Tarlac.

Matapos ang ASEAN Summit, tutungo si Trump sa China para dumalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting, kung saan nakatakda siyang makipagpulong kina Chinese President Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin.