Muling tiniyak ni United States President Donald Trump ang matibay na ugnayang pangdepensa ng Amerika at Pilipinas, kasabay ng kanyang pagdalo sa ASEAN-US Summit sa Maynila nitong Martes.

Sa pagsisimula ng pulong, sinabi ni Trump kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas naging malapit ang dalawang bansa dahil na rin sa kanilang personal na ugnayan.

Binigyang-diin din ng lider ng Amerika ang kahandaan nitong suportahan ang mga kaalyado at partner countries, at hinikayat ang mga ito na direktang makipag-ugnayan sa kanya sakaling magkaroon ng problema.

Ayon kay Trump, maaari rin nilang tawagan si US Secretary of State Marco Rubio o iba pang opisyal, ngunit kung hindi agad makatutugon ang mga ito, handa siyang tumanggap mismo ng tawag.

Pabirong sinabi pa ni Trump na pagsasabihan o tatanggalin niya si Rubio kapag hindi ito agad nakasagot sa tawag.

-- ADVERTISEMENT --