Hindi nakalapit ang ilang grupo ng mga nagkikilos-protesta sa bahagi ng Mendiola kasabay ng pagbisita ni US President Donald Trump sa Malacañang para sa bilateral meeting nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito’y dahil sa barikada na inilagay ng mga pulis sa bahagi ng Recto Avenue malapit sa San Sebastian Street.

Ang nasabing kilos-protesta ay para ipakita ang kanilang pagtutol sa hakbang ng pamahalaan sa pinapasok na mga kasunduan at programa na ang mga interes ay nagmumula sa mga dayuhan.

Binatikos ng grupo ang pagbisita ni US President Trump kung saan hindi daw siya welcome sa bansa lalo na’t ang hangarin nito ay para sa sarili lamang.

Kasabay nito, tinututulan din nila ang mga proyekto ng pamahalaan na nakatali sa dayuhang interes tulad ng Luzon Economic Corridor, critical minerals partnership, mga nuclear plans at ang Pax Silica initiative.

-- ADVERTISEMENT --

Hiling pa ng mga raliyista na mas maigi sana na tutukan ng pamahalaan ang mga programa na magbebenepisyo ang taong bayan at palakasin pa ang pagbibigay tuloy gayundin ang suporta sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.