Nakahanda na ang Commission on Elections (COMELEC) para sa isasagawang plebisito sa Naga City sa darating na Sabado, Nobyembre 21, kaugnay ng panukalang gawing Highly Urbanized City (HUC) ang lugar.

Target ng komisyon na umabot sa 75% ang voter turnout sa naturang plebisito.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, naipadala na sa Naga City ang mga kinakailangang kagamitan, kabilang ang mga balota na gagamitin sa botohan.

Inaasahan din ng komisyon na sa mismong gabi ng Sabado ay malalaman na ang resulta ng plebisito kung saan mahigit 119,000 botante ang inaasahang makikilahok.

Patuloy naman ang lokal na pamahalaan sa pagbibigay-kaalaman sa publiko hinggil sa kahalagahan ng plebisito at magiging epekto ng pagiging Highly Urbanized City ng Naga.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Garcia na umaasa silang magiging mataas ang partisipasyon ng mga botante dahil maging ang mga kabataan ay may kaalaman na sa isasagawang botohan.