Balik na sa normal ang operasyon sa Manila Northport sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga pasaherong dumaan sa pantalan matapos ang long weekend bunsod ng ASEAN Summit 2026

Batay sa datos na ibinahagi ng Philippine Port Authority (PPA) mula sa Port Management Office (PMO) NCR North, umabot sa 6,220 ang outbound passengers mula Nobyembre 13 hanggang 19, mas mataas kumpara sa 3,607 na naitala noong Undas, mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 ngayong taon.

Tumaas din ang inbound passengers, mula 2,827 noong Undas hanggang 3,709 sa panahon ng ASEAN long weekend.

Bukod dito, tumaas rin ang bilang ng mga pasahero at rolling cargo sa Port of Calapan at Puerto Galera matqpso long weekend kung saan balik na rin sa normal ang sitwasyon.

Batay sa datos ng Port Management Office (PMO) Mindoro, nakapagtala ang Port of Calapan ng 42,413 pasahero mula Nobyembre 13 hanggang 18 na 18% mas mataas kumpara sa 35,996 na naitala noong Nobyembre 6 hanggang 11.

-- ADVERTISEMENT --

Malaki rin ang itinaas ng bilang sa Port of Puerto Galera, na nakapagtala ng 15,546 pasahero o 160% na pagtaas mula sa dating 5,986.