Unanimously na tinanggihan ng Third Division ng Sandiganbayan ang mga kahilingan para sa piyansa nina Senator Rodante Marcoleta, dating Representative Mike Defensor at dalawa pang akusado sa kasong plunder kaugnay ng umano’y ₱75 milyong donasyon sa mambabatas.

Ipinunto ng anti-graft court ang matibay na ebidensiyang iniharap laban sa mga akusado bilang batayan sa pagtanggi sa kanilang mga petisyon.

Kabilang din sa mga akusado sina businessman Joseph Espiritu at Aristotle Viray.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y ₱75 milyong donasyon na tinanggap ni Marcoleta noong nagsisilbi pa siyang kongresista ng SAGIP Party-list. Ayon sa alegasyon ng prosekusyon, nagmula ang halaga sa tatlong magkakahiwalay na donasyon: ₱30 milyon mula kay Defensor, ₱25 milyon kay Espiritu at ₱20 milyon kay Viray.