
Pinayuhan ni Labor Secretary Francis Tolentino ang mga manggagawa na idaan sa Hotline 1530 ang anumang reklamo kaugnay ng hindi pagbibigay o pagkaantala ng mga benepisyong nararapat sa kanila, kabilang ang dagdag-sahod at 13th month pay.
Ayon kay Tolentino, karaniwang nagkakaroon ng mga ganitong reklamo tuwing holiday season dahil may ilang manggagawang hindi agad natatanggap ang kanilang mga benepisyo.
Hiniling din ng kalihim sa publiko na iwasan ang mga prank call upang hindi maantala ang pagtugon sa mga manggagawang tunay na nangangailangan ng tulong.
Samantala, sinabi ni Tolentino na mataas ang antas ng pagsunod ng mga employer, partikular sa National Capital Region (NCR), sa pagpapatupad ng bagong minimum wage.
Tiniyak naman ng DOLE na maagap na tinutugunan ang mga tawag sa hotline at mananatiling kumpidensiyal ang pagkakakilanlan ng mga manggagawang magsusumite ng reklamo.










