Nagdulot ng kanselasyon at pagkaantala ng maraming biyahe sa himpapawid ang malakas na bagyong nanalasa sa malaking bahagi ng Estados Unidos.

Aabot sa 400 flights ang nakansela habang nasa 1,700 iba pa ang naantala dahil sa masamang lagay ng panahon.

Kinansela rin ng Amtrak ang ilang serbisyo ng coastal rail nito sa California, habang mahigit 800,000 katao sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nawalan ng suplay ng kuryente, kabilang ang malaking bilang ng mga residente sa Virginia.

Samantala, kinansela rin ang Macy’s Thanksgiving Day Parade sa New York City dahil sa bagyo.

Ilang residente naman ang kinailangang sagipin matapos ma-trap sa kanilang mga tahanan dahil sa mga natumbang puno.

-- ADVERTISEMENT --