
Namumuro ang panibagong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa sunod na linggo.
Ayon sa oil industry sources, posibleng bumaba ng mula P3.00 hanggang P3.50 ang kada litro ng parehong gasolina at diesel habang hanggang P3.70 sa kerosene.
Itinulak ito ng inaasahang supply surplus bunsod ng tumaas na pagkakarga ng crude oil sa Middle East mula mga terminal sa labas ng Strait of Hormuz.
Dahilan din ang malakas na supply outlook ay nakatulong kasi ang tumataas na export ng China upang lumuwag ang dating kakulangan ng suplay ng gasolina at diesel sa rehiyon.
Nakabatay ang pagtaya sa apat na araw na kalakalan sa pandaigdigang merkado. Ibig sabihin, maaari pang magbago ang mga numero, depende sa resulta ng trading ngayong Biyernes.
-- ADVERTISEMENT --










