TUGUEGARAO CITY-Bahagyang bumaba ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa rehiyon dos kung ikukumpra nitong nagdaang araw.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health ng mas mataas na bilang ng mga nakarekober mula sa nasabing sakit na umabot sa 88.
Dahil dito, nasa 952 na ang aktibong kaso ng virus sa rehiyon mula sa isang libo kahapon, Pebrero 1, 2020 matapos makapagtala ng 41 na bagong kumpirmadong kaso.
May pinakamaraming bilang ang probinsya ng Isabela na may 436 sinundan ng Cagayan na 428, Santiago City na 72, sampu sa Nueva Vizcaya at anim sa Quirino.
Isa naman ang bagong naitalang nasawi kung kaya’t umakyat na sa 126 ang bilang ng mga namatay dahil sa covid-19.
Sa ngayon, nakapagtala na ang DOH ng 7,385 na kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng virus habang 6,301 ang gumaling mula sa nakakahawang sakit sa rehiyon dos.