Iniharap sa media si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bilang isang detainee pagdating niya mula sa Indonesia.

Nakasuot siya ng orange na T-shirt bilang damit ng isang bilanggo, may nakasulat na CIDG, habang nakaposas ang kaniyang mga kamay.

Habang nasa eroplano, isinilbi umano ang warrant of arrest na nagmula sa Capas, Tarlac para sa sinibak na alkalde.

Kaugnay nito, sinabi ni Guo na may natatanggap siyang banta sa kanyang buhay, subalit hindi na niya ito idinitalye.

Sa katunayan, nagpatulong umano si Guo kay Department of Interior and Local Government (DILG) Benhur Abalos dahil sa banta umano sa kanyang bunay.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito, sinabi ni Abalos na kumuha na sila ng private plane sa kanilang pagbalik ng bansa.