Nagconcede na si Allacapan Mayor Harry Florida para sa Congressional race sa 2nd District ng Cagayan.

Sa kanyang social media post, pinasalamatan ng alkalde ang mga bumoto at sumuporta sa kanyang kampanya.

Masaya pa rin aniya ito sa resulta ng halalan at binigyang diin na hindi rito natatapos ang kanyang adbokasiya.

Batay sa partial and unofficial count ng COMELEC Media server, nangunguna ngayon sa bilangan si incumbent Congresswoman Baby Aline Vargas Alfonso.