
Kinumpirma ng mga Iranian media na namatay ang anak na babae, manugang, at apo ni Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei matapos ang isinagawang airstrikes ng Estados Unidos at Israel sa kanyang compound sa Tehran.
Ayon sa ulat ng Fars News Agency at iba pang lokal na media sa Iran, matapos makipag-ugnayan sa mga pinagkakatiwalaang sanggunian sa tahanan ng Supreme Leader, nakumpirma ang pagkamatay ng anak na babae, manugang, at apo ng Revolutionary Leader
Ang airstrikes ay bahagi ng joint combat operations ng US at Israel na layong pahinain ang rehimeng pinamumunuan ng Supreme Leader.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Khamenei tungkol sa kanyang kalagayan.










