Nilinaw ng dating aktres na si Andi Eigenmann na hindi kailanman nag-cheat sa kaniya ang kaniyang fiancé at Siargao-based surfer na si Philmar Alipayo.
Ginawa ni Andi ang paglilinaw kasunod ng ilang serye ng tila cryptic IG story niya na nagpalutang sa spekulasyon ng kanilang hiwalayan.
Sa ibinahaging IG story ni Andi kahapon, Pebrero 8, nagbigay siya ng mas malinaw na konteksto sa kaniyang mga naunang posts at sinabing ang mga ito ay intended sa isang partikular na kaibigang babae na nagtaksil sa kaniya na hindi na niya pinangalanan.
Aniya, sa tuwing magkasama ang kaniyang fiancé at ang nasabing babae ay kasa-kasama din siya.
Ipinaliwanag din ni Andi ang kaniyang pagpopost sa naturang isyu dahil trinaydor umano siya ng naturang tao na hinihikayat aniya ang kaniyang fiancé na makipaghiwalay sa kaniya sa tuwing naga-away sila kahit na ikwini-kwento din niya ang kaniyang side.
Binanggit din ni Andi sa kaniyang IG story ang pagpapatattoo ng babae na pareho sa tattoo mark na “224” ng kaniyang fiancé nang hindi man lang ikinokonsidera ang kaniyang mararamdaman.
Sinubukan din ng dating aktres na i-reach out siya para maipaliwanag ang kaniyang side subalit inisnab lang umano siya.
Sinabi din ni Andi na ibinahagi niya ang naturang posts para magbigay ng awareness sa iba na ang kaniyang sitwasyon ay hindi normal.