
Nilinaw ng Malacañang na tumagal lamang ng humigit-kumulang anim na buwan bilang social media director ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Franco Mabanta noong 2018.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, hindi umano nagustuhan ang istilo ni Mabanta kaya agad din itong natanggal sa posisyon.
Sinabi rin ni Castro na maaaring wala nang naging papel si Mabanta sa kampanya noong 2022.
Nauna nang inaresto ng National Bureau of Investigation o NBI si Mabanta kaugnay ng reklamong tangkang pangingikil laban kay Leyte Representative Martin Romualdez.
Itinanggi naman nina Mabanta at ng Peanut Gallery Media Network ang mga alegasyon at iginiit na may motibong pulitikal ang kaso laban sa kanila.
-- ADVERTISEMENT --








