Anim pang kuwestiyonableng pangalan ang lumitaw sa mga acknowledgment receipt na iniharap sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte nitong Lunes, Agosto 24.

Kabilang dito sina Antonio Pagong na tumanggap ng ₱100,000 para sa pagbili ng impormasyon; Timon Andrew Pusa at Don Piang na tumanggap ng ₱100,000 at ₱250,000 para sa upa ng sasakyang ginamit sa confidential activities; May Pamana na ₱150,000 para sa pagbili ng impormasyon; Shane Ngitngit na ₱150,000 para sa supplies at kagamitan; at Xuniso P. Belat na ₱100,000 para sa pagbili ng impormasyon.

Samantala, sinabi ni dating Office of the Vice President special disbursing officer Gina Acosta na walang official receipt na isinumite si dating security head Col. Raymund Lachica para sa liquidation ng ₱75 milyon na ginastos umano sa supplies, medical at food aid noong ikaapat na quarter ng 2022.

Ayon kay Acosta, acknowledgment receipt lamang ang ibinigay ni Lachica at may ilang dokumentong walang pangalan o petsa.

Sinabi rin umano ni Lachica na sensitibo at kumpidensiyal ang mga transaksiyon kaya iyon lamang ang mga dokumentong maaari niyang ibigay.

-- ADVERTISEMENT --