Sang-ayon sina Anne Curtis at Maxene Magalona sa legalization ng divorce sa bansa.

Sinabi ni Curtis na kasal sa Filipino-French restauranteur Erwan Heussaff, na panahon na para ipasa ang divorce law.

Ayon naman kay Magalona, nararapat lang na magkaroon ng diborsiyo sa bansa.

Sinabi niya na ang kanyang pagsang-ayon sa divorce law ay bilang suporta sa mga mag-asawa na nagtitiis at hindi makawala sa hindi na magandang relasyon o pagsasama dahil sa kawalan ng diborsiyo sa bansa.

Iginiit niya na bagamat totoo na sagrado ang pagpapakasal, wala namang garantiya na hindi ito hahantong sa toxic at traumatic na pagsasama.

-- ADVERTISEMENT --

Si Maxene ay hiwalay sa kanyang asawa na si Rob Mananquil noong 2022, matapos ang apat na taon na pagsasama.