Iniimbestigahan na ang dahilan ng pagbagsak ng isang maliit na eroplano na kumitil sa buhay ng apat na katao kahapon sa Barangay Malatimon, Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala ang mga namatay sa nasabing insidente, bagamat sinabi ng mga awtoridad na ang mga ito ay mga dayuhan.

Una rito, kinumpirma ng U.S. Embassy, na isang American military-contracted aircraft ang sangkot sa aksidente.

Ayon kay regional police spokesman Jopy Ventura, tumama sa kalabaw ang eroplano nang mangyari ang pagbagsak, na nagdulot ng maraming sugat sa hayop.

Sinabi naman ni isang rescuer na si Rhea Martin, nakita nila ang apat na patay na katao sa crash site, na agad na kinordon ng mga awtoridad.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, nakita ang mga katawan ng tao malapit sa eroplano, at aniya nahati sa dalawa ang nasabing sasakyang panghimpapawid.

Ito na ang pangalawang aircraft accident sa bansa ngayong buwan.

Noong Sabado, isang helicopter ang bumagsak sa Guimba, Nueva Ecija, na ikinasawi ng babaeng piloto, na siya lamang ang sakay