Kulong ang apat na indibidual matapos na maaktohan na bumabatak ng iligal na droga nang isilbi ang searh warrant sa bayan ng Claveria, Cagayan.

Kinilala ng PNP Claveria ang mga suspek na sina alyas Peter, 24-anyos, alyas Lando, 33 anyos, alyas John, 23-anyos at alyas Sheila, 27-anyos, pawang mga residente sa nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, minanmanan ang mga nasabing indibidual matapos na makatanggap ng mga impormasyon sa kanilang iligal na gawain.

Nang makumpirma ng mga awtoridad, kumuha sila ng search warrant sa korte.

Nadatnan ng mga pulis ang apat sa kanilang inuupahang bahay habang gumagamit ng droga, at sa isinagawang paghalughog ay nakuha sa lugar ang dalawang plastic sachet ng shabu, limang cellphone at drug paraphenalia.

-- ADVERTISEMENT --

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.