TUGUEGARAO CITY-Apat na ang namatay sa 5.4 magnitude na lindol kaninang 4:16 kaninang madaling araw sa Batanes.

Sinabi ni Mayor Raul De Sagon ng Itbayat, Batanes natutulog ang mga biktima at natabunan sila matapos na gumuho ang kanilang bahay sa Brngy. Santa Maria.

Ayon kay De Sagon, kinukumpirma pa ang pangalan ng mga biktima dahil sa hirap silang makakuha ng mga impormasyon maging sa mga mga sugatan dahil sa iisa lang ang kanilang duktor.

Sinabi ni De Sagon na abala na ngayon ang mga kinauukulan sa rescue at assessment sa mga pinsala dahil sa pagyanig.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi pa ni De Sagon na hanggang ngayon ay may mga aftershocks pa ang lindol.