Sinabi ni Senador JV Ejercito na posible pang magkaroon ng panibagong pagbabago sa liderato ng Senado kasunod ng mga nagdaang reorganisasyon sa Mataas na Kapulungan.

Ayon kay Ejercito, nakadepende sa suporta ng mga senador ang pananatili ng sinumang lider sa Senado at anumang pagbabago ay posible habang nagpapatuloy ang sesyon.

Matatandaang noong Mayo 11 ay nagkaroon ng pagbabago sa liderato matapos mapatalsik si dating Senate President Tito Sotto III at mahalal si Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President sa botong 12-9.

Nag-abstain naman sa botohan sina Ejercito at Senador Migz Zubiri.

Dahil sa reorganisasyon, idineklarang bakante ang lahat ng posisyon at committee chairmanships sa Senado, dahilan upang makansela ang ilang pagdinig ng mga komite.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kanyang talumpati, nanawagan si Cayetano sa mga senador na isantabi ang alitan sa politika at pagtuunan ang trabaho ng Senado para sa kapakanan ng publiko.