Hinatulang guilty ng korte sa Bacoor, Cavite si Archie Alemania sa kasong acts of lasciousness na isinampa laban kanya ni actress Rita Daniela.

Aa 21 pahinang desisyon, hinatulan si Alemania na makulong mula isang buwan at isang araw hanggang isang taon at isang araw.

Ayon sa korte, base sa factual finding na ang apology text ng akusado ay tungkol sa kanyang ginawa sa labas ng sasakyan, na nangangahulugan na inamin niya ang nasabing akusasyon na nagpahintulot para sa makatotohanan na prosekusyon sa kaso.

Inatasan din ng korte si Alemania na magbayad ng indemnity at moral damages na tig-P20,000, na may interest rate na 6 percent bawat taon mula sa petsa ng finality ng desisyon hanggang sa ito ay mabayaran ng buo.

Aa reklamo ni Daniela, hinalikan at hinawakan siya ni Alemania nang wala siyang pahintulot at maraming beses siyang sinabihan ng mga hindi magaganda matapos ang thanksgiving party nitong nakalipas na buwan ng Setyembre.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ng legal counsel ni Daniela na natutuwa sila sa naging desisyon ng korte.