
Naniniwala ang Ateneo Law Student Council na bigo ang alumnus nitong si Senate President Alan Peter Cayetano sa inaasahang ‘ethical leadership’ sa kanya bilang isang Atenean.
Sa isang pahayag, sinabi ng council na sa sandaling nagsilbi sa public office ang kanilang mga alumni, ang mga ginagawa ng mga ito ay nagpapakita ng values ng kanilang alma mater.
Sa sandali umanong ipinagtatanggol ng mga Atenean lawyers ang impunity o pinahihina ang mekanismo ng pananagutan, nararapat lang na ihayag ng Ateneo community ang kanilang pagkadismaya.
Idiniin pa nito na ang mga naging hakbang ni Cayetano ay ikina-disappoint ng mga estudyante, lalo na ang kanyang commitment sa kawalan ng pananagutan.
Sa huli, inisa-isa ng grupo ang kanilang mga panawagan.
Isinisigaw na mga ito ang pagpapahinto sa pag-iwas ni Senador Bato dela Rosa sa international legal process; ang pagtupad ng Senado sa kanilang mandato; ang pag-alala ng mga Ateneo Law Student alumni sa klase ng abogado na itinuro ng institusyon; at para naman kay Senate President Cayetano – panawagan nitong pag-isipan ng senador kung ang mga pinaninindigan ba nito ay naaayon sa kung ano ang ipinaglalaban ng Ateneo Law.










