Nagsampa sa Department of Justice (DOJ) ang mga kaanak ng ilan sa mga nawawalang sabungero ng reklamong murder at serious illegal detention laban sa negosyanteng si Charlie `Atong’ Ang at iba pa.

Ayon kay Ryan Bautista, kapatid ng nawawalang si Michael Bautista, inihain nila ang mga reklamong murder at serious illegal detention.

Bukod kay Ang, kabilang pa sa mga nireklamo sina Eric Dela Rosa, RJ Mea, Atty. Caroline Cruz, at ilang miyembro ng pulisya.

Kasama ang ilang umano’y testigo, dumating din ang mga tauhan ng Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dala ang makakapal na dokumentong nakalagay sa mga asul na folder.

Dumalo rin si PNP Chief Director General Nicolas Torre III ngunit tumanggi itong magbigay ng anumang pahayag hinggil sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

-- ADVERTISEMENT --