Nakapagtala ng bagong Guinness World Record ang isang Australian barista nang nakagawa siya ng 420 tasa ng cappuccinos sa loob lang ng isang oras.

Nakuha ni Liza Thomas ng Queensland ang world record para sa pinakamaraming cappuccinos na nagawa sa loob ng isang oras ng isang indibidwal.

Sinunod ni Thomas ang mga patakaran upang opisyal na kilalanin ang kanyang world record, kabilang na ang paggamit ng coffee machine

Karaniwang nasa apat na tasa lang ang nagagawa ng coffee machine na ginamit ni Thomas pero sa tulong ng kanyang galing at pamamaraan, nasa pitong tasa ang nagagawa ng coffee machine kada minuto.

Wala namang nasayang sa 420 tasa ng kape na nagawa ni Thomas dahil ipinamimigay niya ang mga ito sa mga nagmamasid sa kanyang world record attempt.

-- ADVERTISEMENT --