Muling natagpuan ang isang babae na naglaho ng higit dalawang linggo matapos mag-hiking sa kagubatan ng Maui, Hawaii.

Nagsagawa ng malawakang paghahanap ng pamilya ni Amanda Eller , 35-anyos nang huling makita ito noong mayo 8 .

Natagpuan si Eller nitong araw ng biyernes, mayo 24,2019 sa tulong ng isang rescue helicopter na pinag-ambag-ambagan ng kanyang pamilya para sa ikaliligtas niya.

Ayon kay Eller, naligaw siya sa loob ng Makawao Forest Reserve matapos siyang magpahinga ng sandali sa kalagitnaan ng kanyang hike.

Lumala pa ang kanyang sitwasyon nang mahulog siya sa isang bangin at nabalian.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ,nagpapagaling na Eller sa pagamutan at inaasahan ang lubos niyang paggaling.