
Nanguna ang isang babaeng kadete mula Batangas sa Philippine Military Academy (PMA) “Talang Dangal” Class of 2026, kasama ang apat pang babaeng kadete na pasok sa Top 10 ng klase.
Kinilala si Christine Kaye Librada bilang class valedictorian.
Siya ay tubong Lipa City at anak ng isang retiradong opisyal ng militar.
Tinanggap ni Librada ang ilang pangunahing parangal kabilang ang Presidential Saber, Philippine Army Saber, Joint US Military Assistance Group Award, at Australian Defense Best Overall Performance Award.
Bago pumasok sa PMA, kumuha siya ng kursong BS Psychology sa De La Salle University Manila.
-- ADVERTISEMENT --
Inaasahang sasabak si Librada sa serbisyo sa ilalim ng Philippine Army matapos ang kaniyang pagtatapos sa PMA sa Mayo 16.









