
Naaresto ang isang babae na nagpanggap na nurse matapos tangayin ang isang bagong silang na sanggol sa ospital sa Koronadal City.
Naitala ang insidente matapos dalhin ng suspek ang bata sa ibang ospital para ipa-check-up, kung saan agad itong nabawi ng pulisya.
Ayon sa ama ng sanggol, dalawang araw pa lamang ang bata nang lapitan sila ng babae at nagpakilalang nurse.
Natagpuan rin ang gamit ng sanggol sa Barangay Avanceña sa hot pursuit operation ng mga awtoridad.
Inamin naman ng suspek na kinuha niya ang bata bilang pamalit sa isang hindi natuloy na pagbubuntis.
-- ADVERTISEMENT --
Posibleng maharap ang babae sa kasong paglabag sa Republic Act 7610, habang iniimbestigahan ng pulisya ang seguridad sa ospital










