Patay ang isang babae matapos sagasaan ng isang pick-up truck sa San Jose del Monte, Bulacan.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Robie, residente ng Barangay Bigte, Norzagaray.

Naganap ang insidente ng umaga kahapon sa kahabaan ng Tialo, Brgy. Muntinlupa Proper.

Batay sa kumalat na post sa social media, nakitang bumangon pa ang biktima na halos nangingis at ilang saglit pa ay muli siyang natumba sa kalsada at nasagasaan ng sasakyan.

Nabatid na dinala ang biktima sa kalapit na ospital para sa paunang lunas subalit binawian na ito ng buhay.

-- ADVERTISEMENT --

May mga netizen na nagsabing natumba muna ang babae hanggang sa pumailalim at posibleng nasagi umano kaya tumumba at aksidenteng nasagasaan.

Bumuhos ang pakikiramay ng mga netizen na nakakakilala sa biktimang kaka-graduate lamang umano sa kursong civil engineering at nakatakdang mag-exam para maging ganap na inhenyero.