Maglalaban ang PLDT High Speed Hitters, Creamline Cool Smashers, Cignal HD Spikers, at Farm Fresh Foxies sa semifinals ng Premier Volleyball League All-Filipino Conference na magsisimula sa Sabado sa Mall of Asia Arena.

Tatlo sa apat na koponan ang may tsansang makuha ang kanilang kauna-unahang All-Filipino title, habang target ng Creamline na mabawi ang kampeonato at makuha ang ika-pitong titulo sa conference.

Maghaharap ang PLDT at Creamline, habang magtutuos ang Farm Fresh at Cignal sa unang araw ng semifinals. Gaganapin ang round-robin format kung saan ang top two teams ang uusad sa best-of-three finals.

Nangunguna ang PLDT bilang top seed matapos ang 7-2 record, habang may bentahe ang Cignal na natalo na ang lahat ng kalaban nito sa semifinals sa eliminations.

Samantala, unang beses umabot sa semifinals ang Farm Fresh matapos patalsikin ang defending champion na Petro Gazz, habang babalik ang Creamline sa Final Four na may layuning muling maabot ang kampeonato.

-- ADVERTISEMENT --