TUGUEGARAO CITY-Umabot sa 40 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Region 02, kahapon 07, 2020.
Batay sa datos na ibinahagi ng Department Of Health (DOH)-Region 02, mula sa mga bagong naitalang kaso ay 25 dito ay mula sa Isabela, 11 sa Cagayan at tig-dalawa sa Nueva Vizcaya at Santiago City.
Nasa 46 naman ang bagong nakarekober sa virus kung saan 31 dito ay mula sa Nueva Vizcaya, walo sa Cagayan, lima sa Isabela at dalawa sa Santiago City.
Sa ngayon, umakyat na sa 1,936 ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng virus at pinakamarami pa rin ang probinsya ng Isabela na may 754 sunod ang nueva vizcaya na 576, sa Cagayan ay 503 na kaso, 96 sa Santiago city, lima sa Quirino at dalawa sa Batanes.
Ang mga aktibong kaso sa rehiyon ay nasa 343 kung saan 59 percent ay asymptomatic, 40percent ay mild condition at one percent ang severe condition.
32 naman ang bilang ng mga namatay dahil sa covid-19 sa rehiyon habang 1,561 ang nakarekober.