
Patuloy na humihina ang bagyong “Inday” habang ito ay kumikilos pahilagang-kanluran patungo sa dagat sa silangan ng Taiwan.
Nasa 570 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes ang sentro ng bagyo.Mga Mapa
Taglay nito ang maximum sustained winds na 140 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugso na umaabot hanggang 170 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Umaabot hanggang 860 kilometro mula sa sentro ang lawak ng malalakas hangin ng bagyo.
Signal No. 2:
Nakaapekto sa Batanes, silangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan, Didicas, Camiguin), at hilagang-silangang bahagi ng mainland Cagayan (Santa Ana).
Signal No. 1:
Nakaapekto sa natitirang bahagi ng Babuyan Islands, natitirang bahagi ng mainland Cagayan, Isabela, Apayao, hilagang bahagi ng Abra, Kalinga, silangang bahagi ng Mountain Province (Natonin, Paracelis), silangang bahagi ng Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista), at Ilocos Norte.










