TUGUEGARAO CITY-Naging isang severe tropical storm na ang bagyong ‘Florita,’ ayon sa weather bulletin na inilabas ng PAGASA nitong alas-5 a.m. ng umaga ngayong Martes.

Namataan itong may maximum sustained winds na 95kph malapit sa GITNA at may gustiness o pagbugso na aabot sa 115kph.

Namataan ito sa layong 120 km East Northeast of Casiguran, Aurora at kumikilos sa bilis na 10kph.

Dahil dito ay nasa signal no. 3 na ang northern and eastern portion of mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Lal-Lo, Baggao, Peñablanca, Gattaran, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita) at eastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan)

Signal nO. 2 ang nalalabing bahagi ng Cagayan kabilang na ang Babuyan Islands, nalalabing bahagi Isabela, Quirino, eastern and central portions of Nueva Vizcaya (Kayapa, Ambaguio, Solano, Villaverde, Bagabag, Diadi, Quezon, Bayombong, Bambang, Aritao, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Kasibu, Alfonso Castaneda), Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, the northern portion of Benguet (Bakun, Kibungan, Buguias, Kabayan, Mankayan, Bokod, Atok), Ilocos Norte, Ilocos Sur, and the northern and central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora).

-- ADVERTISEMENT --

Signal no.1 naman sa Batanes, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Pangasinan at iba pang lugar.

Ang bagyo ay inaasahang tatawid na sa Northern Luzon ngayong araw – kung saan inaasahan ang malalakas na bugso ng hangin at matinding pag-ulan.

Inaasahang una itong magla-landfall sa Isabela-Cagayan area ngayong umaga at buong tatawirin ang Northern Luzon.

Posibleng mamayang gabi o bukas ng umaga ay makakarating ito sa West Philippine Sea.

Ito ay inaasahang bahagyang lalakas pa bago tumama sa Northern Luzon.

Ang taglay nitong lakas ng hangin na ito ay mapaminsala at posibleng magdulot ng katamtaman hanggang sa matinding pinsala sa mga imprastraktura.

Bukas ay makulimlim pa rin sa malaking bahagi ng Luzon at Western Visayas, ngunit mas kaunti na ang mga pag-ulan at pagbugso ng hangin maliban sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon.

Posibleng Huwebes o Biyernes ay maging mas maayos na ang panahon sa malaking bahagi ng bansa dahil sa paglayo ng bagyo at paghina muli ng epekto ng habagat.